-- Advertisements --

Hinimok ng isang cause-oriented group ang National Economic Development Authority (Neda) na kanselahin ang pagpopondo ng China para sa malalaking infrastracture pojects sa Ph dahil sa patuloy na pagtatalo sa teritoryo sa West Ph Sea.

Sinabi ni Infrawatch PH convener Terry Ridon, na kailangan ng gobyerno na muling suriin ang lahat ng mga China-assisted projects bago muling sumulong sa mga bagong hakbang.

Binigyang-diin niya ang pangangailangan para sa bansa na pag-iba-ibahin ang mga pinagkukunan ng pondo para sa mga proyektong pang-imprastraktura.

Aniya, maraming mga international option sa pagpopondo ang magagamit na gumagalang sa soberanya ng Ph at nag-aalok ng mas paborableng mga tuntunin.

Kabilang sa mga proyektong pinondohan ng Chinese loan ang Davao City Expressway Project, Samal Island Davao City Connector Project, Ambal-Simuay River at Rio Grande de Mindanao River Flood Control Projects at ang Metro Manila Flood Management Project Phase 1.

Dagdag ni Ridon na ang pagkansela sa mga proyektong ito ay isang tiyak na paraan upang igiit ang pambansang interes at soberanya lalo na sa West Ph Sea.

Nagbabala rin si Ridon laban sa impluwensyang pampulitika ng pagtanggap ng pondo mula sa China para sa mga infrastracture projects ng Pilipinas.