Inihayag ng isang health reform advocate na dapat isaalang-alang ng gobyerno ang pagbibigay ng buong pag-apruba sa mga bakuna sa mRNA COVID-19 tulad ng sa US.
Layunin nito ay para pataasin ang bilang ng mga taong may booster shot.
Ang mga bakuna laban sa respiratory illness ay kasalukuyang may emergency use authorization sa Pilipinas.
Ang pagbibigay ng ganap na pag-apruba sa regulasyon ay magreresulta sa higit na pagtitiwala mula sa publiko, ayon kay Dr. Tony Leachon.
Ang Pfizer at Moderna ay magkakaroon ng ganap na pag-apruba sa regulasyon sa US sa Agosto 23.
Iginiit pa ni Leachon na ang third dose ay makakatulong upang mapigilan ang isa pang Covid-19 surge na nauna nang ibinabala ng World Health Organization.
Dapat turuan muna ang publiko kung bakit mahalaga ang ikatlong booster bago ito isama sa bagong kahulugan ng full vaccination.
Ang Pilipinas ay nakapagtala ng fully vaccinated ng humigit-kumulang 66.3 milyong indibidwal noong Abril 5.
Hindi naman bababa sa 12.2 milyong tao ang nakatanggap ng booster jabs.