Nananatiling positibo si presidential adviser on peace, reconciliation, and unity Secretary Carlito Galvez na mawawaksan din sa tamang panahonang matagal ng problema ng buong mundo na insurhensiya.
Ito ay bunsod na rin ng inilarawan nitong tagumpay ng local peace agreement ng gobyerno sa mga komunistang rebelde.
Saad pa ng opisyal na ang non-lethal approach ng gobyerno na ipinapatupad ng gobyerno sa nakalipas na taon ay nakatulong para mahikayat ang mga dating miyembro ng Communist Party of the Philippines (CPP) – New People’s Army (NPA). na magbalik loob sa gobyerno.
Ayon pa kay Galvez nakatuon ang Marcos administration sa pagpapalakas ng localized peace talks bilang pangunahing kasangkapan sa pakikipagkasundo sa mga rebeldeng grupo subalit humahanap na aniya ang gobyerno ng tamang tiyempo para tuluyan ng mawaksan ang insurhensiya sa bansa.
Sinabi din ni Galvez na tinitignan na ang pagkakaroon ng final settlement sa mga rebelde sa oras na makumbinsi ang gobyerno na seryoso ang mga ito para sa peace agreement.