-- Advertisements --

Desidido ang gobyerno ng Pilipinas na ituloy ang plano nito na ilipat ang mga turbopops palabas ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa lungsod ng Paranaque sa buwan ng Marso.

Ayon sa public-private Manila Slot Coordination Committee na ang nasabing hakbang ay para maging effiicient at ligtas na mai-maximize ang operasyon ng NAIA.

Ang public-private Manila Slot Coordination Committee ay binubuo ng Department of Transportation, Manila International Airport Authority, Civil Aviation Authority of the Philippines, Civil Aeronautics Board at ang bagong NAIA Infrastructure Corp.

Ginagamit ang turboprops sa mga maliliit na tourism destinations na kaya nilang lumipad at lumapag ng maikling runways.