Kukuha ng bagong abogado ang gobyerno matapos umatras si solicitor general menardo guevarra na katawanin ang gobyerno sa korte suprema kaugnay ng ginawang pag aresto kay dating pangulong rodrigo duterte.
Ayon kay Palace press officer at pco usec atty claire castro na mahalagang makakuha sila ng competent na abogado na magtatanggol sa posisyon ng gobyerno sa kasong ito.
Dagdag pa ni Castro, gagawin ng pamahalaan ang lahat ng legal na remedyo para may magsilbing abogado sa lahat ng respondents sa kaso.
kasama sa respondents sina executive secretary lucas bersamin at dept of justice secretary jesus crispin remulla.
Ang pahayag ng Palasyo ay kasunod ng pag atras ni guevarra na nagsabing hindi niya epektibong magagampanan ang tungkulin sa katwirang wala na nga kasing hurisdiksyon ang icc sa pilipinas.
Dahil dito, iginiit ni castro na marapat lamang maghanap ng ibang abogado na gagampan sa tungkuling ito..
Sa ngayon, pagpaplanuhan pa lamang aniya ngayon kung papano ito ipatutupad ng pamahalaan, kung kailangan bang kumuha ng private counsel o kung ano pang ibang remedyong legal ang pwedeng gawin.