-- Advertisements --

Inanunsyo ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, chairperson ng Task Force Yolanda, na dinagdagan pa ng 20,615 housing units ang initial list ng pabahay para sa mga biktima ng super typhoon Yolanda sa Visayas.

Ito ay bilang tugon na rin ng gobyerno sa panawagan ng local government units (LGUs) na dagdagan ng pondo ang para sa rehabilitation.

Sa nasabing bilang, 8,107 ang itatayo sa Western Visayas at 12,508 units naman ang sa Easter Visayas.

Tiniyak din ni Nograles na makukumpleto ang pagtatayo ng lmga housing units na ito bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022.

Batay sa huling datos ng National Housing Authority (NHA), as of October 25 ay aabot na ng 135,189 housing units ang natapos base sa Revised Housing Needs Assessment habang 32,222 units naman ang kasalukuyan pang ginagawa.

Ayon kay Nograles, bukod sa legal challenges ay humirap din sila sa institutional challenges. Nagkaroon din ng bahagyang hindi pagkaka-intindihan na kaagad naman nilang niresolba para matuloy ang housing project.

Noong Nobyembre 8, 2013 nang tumama sa bansa ang itinuturing na “deadliest” at pinakamalakas na bagyo kung saan lubhang naapektuhan ang Leyte at Eastern Visayas.