Magsasama-sama ang mga ahensya ng gobyerno ng Pilipinas upang maiwasan ang posibleng krisis sa tubig na dulot ng El Niño.
Sinabi ni Sevillo D. David Jr., executive director ng National Water Resources Board, na nakikipag-ugnayan ang kanyang ahensya sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System, National Irrigation Administration at iba pang ahensya para sa mga contingency plan na pipigil sa krisis sa tubig.
Aniya, mas handa ngayon ang mga ahensya lalo’t may mga karagdagang pasilidad na ang naitayo sa iba’t ibang mga lugar.
Nauna nang inaunsyo ng mga kinauukulan na magsisimula ang El Niño sa ikatlong quarter ng 2023 o sa pagitan ng Hulyo at Setyembre, at tatagal hanggang sa susunod na taon.
Ang El Niño ay ang mainit na yugto ng natural na nagaganap na pattern ng klima na El Niño-Southern Oscillation (ENSO), na minarkahan ng mga pagbabago sa direksyon ng hangin at temperatura sa ibabaw ng dagat sa equatorial Pacific.
Una na rito, ang Angat Dam, na nagsusuplay ng 96% ng pangangailangan ng tubig sa Metro Manila, ay kasalukuyang nasa 199.37 meters at nasa operating level pa ayon sa National Water Resources Board