-- Advertisements --

Ilang bilyon mga excise tax collection ang hindi nakukulekta ng gobyerno dahil sa iligal na bentahan ng mga sigarilyo at vapes.

Kinumpirma ng Bureau of Internal Revenue (BIR) matapos na bumagsak ang koleksyon ng excise tax ng gobyerno.

Sinabi ni Dondanon Galera ng Excise Large Taxpayers Service Office ng BIR, na lumipat na sa paggamit ng vape ang mga dating nagsisigarilyo.

Ikinumpara nito ang excise tax koleksyon noong 2021 na mayroong P176.48-B at ito ay bumaba ng P134-B noong 2024.

Nakikipagtulungan na sila sa mga iba’t-ibang ahensiya para tuluyang mapuksa ang ililgal na bentahan ng vape lalo na talamak din sa online.