-- Advertisements --

Pinawi ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang pangamba ng publiko ukol sa patuloy na pagdami ng mga nagaganap na bomb threat sa bansa.

Sinabi ni CICC Executive Director Undersecretary Alexander Ramos na patuloy ang kanilang pagkalap ng mga impormasyon at imbestigasyon ukol sa insidente.

Nakipag-ugnayan na rin sila sa Japanese Embassy para magsagawa ng imbestigasyon matapos na ma-track na galing sa Japan ang email na nagpakalat ng bomb threat.

Magugunitang umabot na sa 28 na mga tanggapan at ahensiya ng gobyerno maging mga paaralan ang nakatanggap ng nasabing bomb threat.