-- Advertisements --

Inihayag ng Palasyo ng Malakanyang na mayruong libreng bakuna kontra tigdas ang Marcos Administration, lalo’t target ng pamahalaan, na mai-akyat sa 400, 000 ang bilang ng mga batang makakatanggap ng libreng bakuna kontra tigdas.

Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro, batay sa datos ng DOH may nakitang pagtaas sa tigdas cases sa bansa, o 922 cases mula January hanggang March 1, 2025.

Mas mataas ito ng 35% mula sa 638 cases na naiulat sa kaparehong panahon, noong 2024.

Sinabi ng Opisyal mayroong Bakunahan sa Purok ni Juan program ang Department of Health (DOH), sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila, hanggang sa March 28.

Nananawagan ang Palasyo sa magulang ng mga bata na dumulog sa mga health center at samantalahin ang libreng bakuna.