-- Advertisements --

Tiniyak ng economic managers ng Duterte administration na may sapat na mga hakbang para maagapan ang epekto ng mild El Nino sa ating bansa.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, kabilang sa mga hakbang ang pag-angkat ng mga produkto mula sa mga bansang hindi apektado ng grabeng tag-init.

Kaya pasok umano rito ang implementasyon ng Rice Tariffication Law at iba pang programa ng pamahalaan.

Sinabi sa Bombo Radyo ng financial analyst na si Astro del Castillo, tiwala silang mananatili ang positive trend ng ekonomiya sa kabila ng naturang phenomenon.

Maganda umano ang pasok ng ekonomiya sa taong ito at hangad nilang magpatuloy hanggang sa mga darating na buwan ang mahinang inflation.