-- Advertisements --

Nagbawas ang gobyerno ng mga contact tracers dahil sa pagtatapos na ng kanilang kontrata.

Sinabi ni Department of Defense Secretary at National Task Force against COVID-19 chairman Delfin Lorenzana, na mayroon lamang 115,611 ang kasalukuyang contact tracers mula sa dating 136,937.

Hindi naman nito binanggit kung muling ire-renew ng gobyerno ang mga kontrata nito.

Mula aniya ng magsimula ang COVID-19 pandemic ay mahigit 20-milyong COVID-19 test ang isinagawa ng gobyerno.