Nagdeklara ng ceasefires ang gobyerno laban sa Communist Party of the Philippines.
Kasunod ito ng rekomendasyon ng gobyerno at National Democratic Front of the Philippines (NDFP) peace panels ngayong holiday season.
Magsisimula ang ceasefire mula 12 ng madaling araw ng Disyembre 23 hanggang 11:59 p.m. ng Enero 7, 2020.
Ayon kay presidential spokesperson Salvador Panelo, na inatasan na ang Department of National Defense at Department of the Interior and Local Government ganun din ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na maglabas ng official declaration at makipag-ugnayan sa mga CPP-NPA-NDF sa nasabing ceasefire.
Iniutos din ng Pangulong Rodrigo Duterte ng muling pagtatayo ng Government of Republic of the Philippines (GRP) Negotiating Panel, na kinabibilangan ni Executive Secretary Salvador Medialdea bilang miyembro.
Dagdag pa ni Panelo na sa nasabing panahon ng ceasefire ay pinagbabawalan ang mga NPA ng anumang police at military operations.
Tiniyak naman ng NPA na nasa defensive mode sila at sila ay mahigpit na magbabantay sa anumang hakbang gagawin ng mga personnel ng GRP.