-- Advertisements --
image 476

Todo raw ang paghahanda ng Marcos administration sa paglulunsad ng isa pang round ng cash aid na nasa ilalim ng Targeted Cash Transfer (TCT) program.

Sinabi ni Department of Finance (DoF) Secretary Benjamin Diokno na layon ng naturang programa na tulungan ang mga consumers kasunod ng mabilis na inflation.

Sa ngayon daw ay ikinokonsidera ng pamahalaan ang dalawang buwang subsidiya para sa mga consumers.

Dagdag ni Diokno, agad daw namang ilulunsad ang Targeted Cash Transfer program sa sandaling makakuha na sila ng pondo.

Sa ngayon daw kasi ay hinihintay pa nila ang tugon dito ng palasyo ng Malakanyang.

Makikinabang naman sa naturang programa ang nasa 9.3 million “poorest of the poor.”

Ang P1,000 ay hahatiin sa dalawang buwan bago ito ipamahagi.

Dahil dito, nangangailangan daw ang ngayon ng pondo para sa cash aid na P9.3 billion at ang 5 percent administration cost.

Kung maalala, noong buwan ng Enero ay naitala ng bansa ang 8.7 percent na inflation.

Nasurpresa naman dito ang mga economic managers dahil ito ay fresh 14-year high o fastest inflation print mula nang naitala ang 9.1 percent noong November 2008.

Ang ipapamahagi namang susunod na round ng Targeted Cash Transfer para sa mga consumers ay extension ng naturang programa.

Nakatanggap ang mga consumer ng P500 kada buwan sa loob ng anim na buwan noong December 2022.

Naglabas na rin ang Department of Budget and Management ng kabuuang P10.33 billion sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa dalawang buwang cash transfers sa 10 million target household beneficiaries.

Maliban dito, naglabas din ang DBM ng karagdagang P5.2 billion para sa one-month requirement ng Targeted Cash Transfer program ng DSWD.