Naglaan ang pamahalaan ng halos P1 trillion para sa employment recovery action plan ng Pilipinas sa ilalim ng National Employment Recovery Stage (NERS).
Ayon kay Labor Assistant Secretary Dominique Tutay na kabilang na rito ang budget allocations para sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno na tumulong sa pagbuo ng eight-point employment recovery action plan sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA).
Target aniya ng ahensya na makatulong sa 1.4 milyong Pilipino. Nananatili rin daw ang empoyment target ng gobyerno sa 2.4 hanggang 2.8 milyong Pilipino sa pamamagitan ng Philippine Development Plan.
Dagdag pa nito na walang employment opportunities na bubuuin para sa 1.4 milyong benepisyaryo.
Ibig sabihin lang nito na ang mga manggagawa ay magbebenepisyo mula sa wage subsidy, training program ng TESDA, at iba pang ahensya ng gobyerno at mga business establishments.
Para naman sa P24 billion proposal, kailangan pa raw hanapan ng ahensya ng pondo ang panukalang ito.
Paliwanag ng opisyal, ang NERS ay hindi lang para sa preserbasyon ng employment sa bansa ngunit target din nito na gumawa ng trabaho para sa mga kababayan nating Pilipino.
Ang NERS ay medium-term plan na layong bumuo ng employment opportunities at pagandahin ang employability ng mga Pilipino habang kinokonsidera ang pagbabago sa labor market na dulot ng pandemic at mabilis na adoption ng Fourth Industrial Revolution technologies.