-- Advertisements --

Naglunsad ang gobyerno ng nationwide price monitoring program upang makita ang epekto ng bawas na taripa sa bigas.

Saklaw ng price watch ang mga retail market, grocery store, at wet market.

Tiniyak naman ng Department of Trade and Industry (DTI)  na mahigpit na babantayan ang mga presyo.  

Ang lahat ng impormasyong makukuha nila mula sa programa ay gagamitin ng mga policymakers na matiyak ang sapat na suplay ng bigas.