KORONADAL CITY – Kinontra ng Makabayan bloc ang matagal na hindi pagpabor sa political solution lalo na sa peace negotiation ng gobyerno.
Sa panayam kay Bayan Muna Representative Carlos Isagani Zarate na sinasabotahe umano ng kasalukuyang administrasyon ang nasabing hakbang dahil sa hindi gusto ng mga ito na maging mapayapa ang bansa.
Mas gugustuhin pa umano ng administrasyon ang away upang makapamili ng mga armas at ng may makuha galing sa pondo ng gobyerno na kunwari’y gagawa ng ikabubuti ng lahat ngunit para lamang sa personal interes.
Dagdag pa ni Zarate, na sa patuloy na pagkasangkot ng mga grupo na umano’y komokontra sa gobyero ang isa lamang katotohanan na hindi gusto ng gobyerno ng kapayapaan dahila na hindi nila gusto ang matagal ng binabalangkas na peace negotiation.
Mariin ring kinondena ng Makabayan bloc sa kamara ang paggamit sa pagkakapatay sa 22-anyos na anak ni Rep. Eufemia Cullamat na si Jevilyn na isang miyembro ng NPA sa isang operasyon na isinagawa ng mga otoridad sa Barangay San Isidro, Marihatag, Surigao del Sur upang sabihing sangkot na umano sila sa pangyayari.