-- Advertisements --

Naka-alerto ngayon ang national at local governments at mahigpit na mino monitor ang trajectory ng Super Typhoon Leon kasunod ng direktiba ni Pang. Ferdinand Marcos Jr na tiyakin ang kaligtasan ng mga apektadong residente.

Sa report ni Batanes Gov. Marilou Cayco na kasalukuyang isinasagawa na ang paglilikas sa mga residente na maapektuhan sa pananalasa ng super typhoon.

Sinabi ni Cayco na namahagi na rin sila ng mga food packs sa mga ito para sa loob ng tatlong araw.

Naka deploy na rin sa mga evacuation centers ang mga healthcare at social welfare personnel.

Siniguro naman ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na naka standby na ang kanilang mga assets sa mga lugar na maapektuhan ng bagyong Leon.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Franzel Padilla nakikipag ugnayan din sila sa iba pang mga government agencies lalo na sa DSWD para sa pag transport ng mga supplies at relief assistance sa mga apektadong residente.

Hinikayat naman ng state weather Bureau PAGASA ang mga residente ng mga apektadong lugar lalo na ang mga nasa coastal areas na lumikas muna at mahigpit na imonitor ang mga weather updates.