-- Advertisements --

Iniulat ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) executive director Usec Ricardo Jalad na naghahanda na ngayon ang gobyerno sakaling magkaroon ng worst case scenario kaugnay sa pagputok ng bulkang Bulusan sa Sorsogon.

Sinabi ni Jalad may mga paghahanda na rin na inihahanda ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.

Ayon kay Usec Jalad, sakaling mangyari ang worst case scenario ay kanilang i-evacuate ang buong munisipyo ng Irosin dahil malaking bahagi sa naturang munisipyo ay nandoon mismo sa caldera ng Mt.Bulusan.

Dagdag pa ni Jalad ang mandatory evacuation o force evacuation ay mangyayari lamang kapag itinaas na ang alert level ng Bulkan ng Bulusan sa alert level three hanggang alert level four.

Samantala, patuloy ang pagbabantay at ang relief efforts na isinasagawa ng pamahalaan matapos ang pagsabog ng Bulusan sa Sorsogon nitong nakalipas na Linggo, Hunyo 5.

Ayon kay Jalad, patuloy ang cleaning activities sa tatlong apektadong munisipalidad sa pagtutulungan ng ng mga lokal komunidad kasama ang Philippine National Police (PNP), Philippine Coast Guard (PCG), Armed Forces of the Philippines (AFP), at ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Samantala, giit ni Jalad na mayroon nang nakahandang contingency plan ang pamahalaan sakaling magkaroon ng volcano emergency.

Samantala, iniulat ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nasa higit P20 milyong halaga ang estimated at initial assessment na naapektuhan at napinsala sa produksiyon ng agrikultura sa probinsiya ng Sorsogon matapos ang pagsabog ng Bulkang Bulusan nitong Linggo, Hunyo 7.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, nagtakda na ang Department of Agriculture (DA) ng animal evacuation center sa lugar, habang ibabase naman ng pamahalaan sa magiging assessment sa mga supply ng crops at livestock na available ang ibibigay suporta sa mga magsasaka.