-- Advertisements --
Nakakulekta na ang gobyerno ng nasa P25-Bilyon na taripa mula sa mahigit 2.8 milyon metriko toneladang imported na bigas.
Ayon sa Bureau of Customs (BOC) na ang nasabing halaga ay mula Enero hanggang Agosto.
Sa nasabing walong buwan ay mayroong kabuuang P25.767 bilyon na koleksyon na ito ay 16.4 percent na mas mataas sa P22.139-B na naitala sa parehas na buwan noong nakaraang taon.
Isa sa mga dahilan nito ay ang pagtaas ng import volume na may mataas na declared value ng shipments.
Sa nasabing buwan ay nakapag-import ang bansa ng 2.865 milyon metric tons o 23.73 percent na mas mataas sa 2.316 milyo na metriko tonelada na naitala noong nakaraang taon.