Tiniyak ng gobyerno ng Pilipinas na patuloy nilang pinagbubuti ang mga hakbang upang mapalakas ang labor market ng bansa.
Ayon sa National Economic and Development Authority, kabilang sa kanilang plano ay maparami ang bilang ng mga disente at dekalidad na trabaho para sa bawat mamamayang Pilipino.
Ginawa ng ahensya ang pahayag matapos na ilabas ng Philippine National Statistics ang datos kung saan ay patuloy na bumababa ang ‘unemployment’ rate o bilang ng mga walang trabaho.
Ito ay katumbas ng 3.9% na pagbaba na kung saan ay naitala sa ikatlong quarter ng taong ito.
Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, kabilang sa kanilang pagtutuunan ng pansin ang pagpapalakas sa sektor ng connectivity, telecommunications, energy, at tubig upang makabuo ng mas maraming trabaho.
Umaasa rin ang opisyal na magbibigay ng karagdagang revenue sa Pilipinas ang bagong Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises to Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy (CREATE MORE) Act.