Tiniyak ng pamahalaan na mananatili itong nakabantay sa mga bagsakan ng isda sa mga lugar na apektado ng oil spill dahil sa paglubog ng Fuel Tanker na MT Terranova sa Limay, Bataan noong nakaraang linggo.
Ayon sa ahensya, kabilang sa kanilang binabantayan ay ang fishport sa Navotas.
Kung maaalala, batay sa isinagawang pagsusuri ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR, lumalabas na ang nakuhang sample sa Manila Bay at Cavite ay may traces ng oil spill.
Sa isang panayam , sinabi ni Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa, walang patid ang kanilang ginagawang sensory testing ang evaluation sa mga nahuhuling isda sa katabi nitong lugar.
Layon nito na matiyak na walang trace ng langis o hindi contaminated ng langis ang lugar.
Bilang bahagi aniya ng pag-iingat, ipinagbabawal muna ng BFAR ang pagkain ng mga huling isda at shellfish sa lugar.
Kailangan aniyang mabantayan ang lahat ng mga huling lamang dagat dahil maaaring maging sanhi ito ng food poisoning sakaling makain ng Isang tao ang kontaminadong isda.