Nananatiling nakatutok ang gobyerno sa pagpapalakas ng internal security ng bansa.
Ito ang tiniyak ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada sa annual defense summit sa Singapore kasama si Pangulong Bongbong Marcos.
Ayon kay Estrada, nakatuon ang pamahalaan sa paglutas sa gulo sa mga rehiyon sa mapayapang paraan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng dayalogo at iba pang diplomatic channels.
Ito’y sa kabila ng pag-shift ng gobyerno sa territorial defense sa gitna na rin ng tensyon sa West Philippine Sea.
Dahil aniya sa tumitinding mga isyu partikular sa freedom of navigation sa Asia-Pacific Region ay kinailangan ng bansa na mag-shift sa territorial defense mula sa internal security upang maitaguyod ang isang matatag na depensa sa harap na rin ng pabago-bagong hamon sa seguridad.
Pagtitiyak naman ng mambabatas na matatag ang bansa sa pagsunod para sa mapayapang resolusyon salig na rin sa United Nations Convention on the Law of the Sea at ng umiiral na 2016 Arbitral Award.