Muling nanawagan ang Department of Transportation sa mga unconsolidated PUVs partikular na sa mga driver at operators na huwag nang ipilit ang pagpasada sa kalsada.
Ginawa mismo ni DOTr Executive Assistant to the Secretary Jonathan Gesmundo ang pakiusap kasunod ng pagtatapos ng deadline para sa konsolidasyon ng PUVs sa bansa noong April 30.
Ito ay sa ilalim pa rin ng PUV Modernization program ng gobyerno.
Sa isang panayam, sinabi ni Gesmundo, ituturing na nilang colorum ang mga pampublikong sasakyan na hindi nag consolidate .
Tiniyak naman ng opisyal na sa ngayon ay hindi pa nila ito huhulihin.
Lahat aniya ng mga driver at operators na hindi nag consolidate ay padadalahan nila ng show cause order para magpaliwanag.
Sa oras na hindi nito tatalima ay saka lamang nito irerevoke ang kanilang prangkisa.