-- Advertisements --

Nangako ang German government na magbibigay ito ng 1 billion euro o katumbas ng mahigit P57 billion Covid care bonus para sa mga frontline workers at mga Pilipinong healthcare workers bilang reward para sa kanilang serbisyo sa mga health facilities ng Germany sa gitna ng pandemiya.

Kinumpirma ito ni DOLE Sec. Silvestre Bello III kung saan base sa report mula kay Labor Attaché Delmer Cruz ng Philippine Overseas Labor Office sa Berlin, hahatiin ang naturang ibibigay na German government para sa mga nurses working sa care homes at sa mga ospital.

Ang mga health care workers na nakatalaga sa elderly care at mga nursing staff na nagtratrabaho sa geatric care ng kahit tatlong buwan sa pagitan ng November 1, 2020 at June 30 ay makakatanggap ng incentives na pumapalo mula 60 euro hanggang 550 euro o katumbas ng P3,400 hanggang P31,000.

Kabilang din sa mga mabibigyan ng naturang care bonus ang mga administrtors at manggagawa sa building services, kitchen at cleaning employees, reception, security services at iba pa.

Makakatangap din maging ang mga trainees sa elderly care at mga volunteers.

Ayon sa DOLE, inihayag ni German Health Minister Karl Lauterbach na posibleng simulan ang pay-outs sa June 30.