-- Advertisements --

Nangako ng suporta ang Indian government sa Pilipinas para sa pagtataguyod ng technological innovations sa larangan ng edukasyon sa bansa.

Ginawa ni Indian Ambassador to the Philippines Shambhu Kumaran ang naturang commitment kasabay ng courtesy call nito kay Vice President at Education Secreatary Sara Duterte.

Ibinahagi pa ni VP Sara na nagpahiwatig din ng intensyon ang Indian diplomat na tutulong ito sa Pilipinas sa mga plano ng Education secretary sa ilalim ng kaniyang liderato.

Tinalakay din ni VP Sara sa kanilang pag-uusap ang planong educational system ng bansa tungo sa pagrekober mula sa impacts ng COVID-19 pandemic.

Saad pa ng Education Secretary na ibinahagi ng Indian ambassador na pinuro ng gobyerno ng India ang medical education sa Pilipinas partikular sa Davao City kung saan maraming mga nag-aaral na Indian nationals.