Ipinag-utos na ng gobyerno ng Indonesia ang paghagilap at pagpaparusa sa mga perpetrators na nasa likod ng nangyaring stampede sa isang football match na ikinasawi ng 125 katao na itinuturing na isa sa deadliest disasters sa kasaysayan ng football.
Maalala na noong Sabado, nangyari ang naturang trahedya sa kabisera ng Malang kung saan nasa 323 katao din ang napaulat na nasugatan matapos ang pagpapaputok ng tear gas ng police officers sa stadium para mapigilan ang invasion na nagresulta sa stampede.
Inanunsiyo rin ni Indonesia’s chief security minister Mahfud MD na bumuo sila ng task force para sa imbestigasyon at mapanagot ang mga nasa likod ng naturang krimen.
Nag-ugat ang naturang insidente nang dumugin ng mga fans ng home team ng Arema FC ang pitch sa Kanjuruhan stadium matapos na matalo sa score na 3-2 sa katnunggaling Persebaya Surabaya.
Inilarawan naman ng police ang naturang insidente na isang riot kung saan nasa dalawang police officers ang nasawi subalit inakusahan ng survivors sa insidnete ang mga ito na overreacting ang kanilang ginawa na nag-resulta ng pagkasawi ng ilang spectators kabilang ang limang taong gulang na batang lalaki.