-- Advertisements --

LAOAG CITY – Isinalarawan ni Bombo International News Correspondent Elvie Aviador ng Tel Aviv, Israel na tila’y naging ghost town na ang nasabing bansa.

Ito ay matapos na mahigpit na ipinagbabawal ng gobyerno ang mga tao na umalis sa kanilang mga tahanan habang tumitindi ang labanan sa pagitan ng Israeli Forces at mga militanteng Hamas.

Sinabi ni Aviador na binigyan sila ng 72 oras upang bumili ng kanilang mga pagkain at tubig kung saan naganap ang panic buying.

Aniya, inutusan sila ng gobyerno na bilhin ang kanilang mga pangangailangan sa loob ng tatlong araw dahil pagkatapos ng 72 oras ay iniutos na magsara ang lahat ng business establishments.

Dagdag nito na posibleng matapos ang tatlong araw na pagsasara ng mga establisyimento at walang pinayagang umalis sa kanilang mga tahanan, maaring bigyan muli sila ng pagkakataon ng gobyerno na mamili ng kanilang mga pangangailangan lalo na ng pagkain at tubig.

Ating pakinggan ang naging panayam kay Bombo International News Correspondent Elvie Aviador ng Tel Aviv, Israel.