-- Advertisements --

Inaprubahan ng gobyerno ng Israel nitong Linggo ang plano na doblehin ang populasyon ng occupied at annexed Golan Heights, kasunod ng pagpapatalsik kay President Bashar Assad sa Syria. 

Ayon kay Prime Minister Benjamin Netanyahu sa isang pahayag, ang pagpapalakas sa Golan ay pagpapalakas sa Estado ng Israel kung saan mahalaga aniya sa panahon ngayon. 

Sinabi ng opisina ni Prime Minester Netanyahu na nagkaisang inaprubahan ng pamahalaan ang mahigit 40-million-shekel ($11 million) na plano upang hikayatin ang paglago ng demograpiko sa Golan.

Isinumite ni Netanyahu ang plano sa gobyerno sa kabila ng digmaan at sa pagnanais na doblehin ang populasyon ng Golan.