-- Advertisements --

Hinikayat ng gobyerno ng Japan ang mga mamamayan nila na magbawas sa paggamit ng kuryente.

Kasunod ito sa posibleng pagkakaroon ng manipis na suplay ng kuryente dahil sa nararanasang heatwave.

Ayon sa The Ministry of Economy, Trade and Industry na dapat patayin nila ang mga hindi kinakailangan na mga ilaw pero maaaring gumamit pa rin ng air conditioning para maiwasan ang heatstroke.

Noong nakaraang mga linggo ay nagbabala na ang gobyerno na magkaroon ng manipis na suplay ng kuryente dahil sa pagtaas ng temperatura.

Tuwing Hunyo kasi ay nagsisimula ang summer sa Japan na mayroong temperatura ng mas mababa sa 30C ng ilang buwan.