Kinondena ng gobyerno ng kuwait ang pagpaslang sa overseas Filipino worker (OFW) na si Julleebee Ranara.
Kaugnay nito, nagsagawa si Kuwait Foreign Affairs Minister Sheikh Salem Abdullah Al-Jaber Al-Sabah ng pagpupulong kasama si Philippine Chargé d’Affaires Jose Cabrera III sa kaniyang tanggapan para mag-paabot ng pakikisimpatiya sa gobyerno ng Pilipinas at sa pamilya ni Ranara.
Nangako rin ito na papanagutin ang 17 anyos na suspek sa pagpatay kay Ranara.
Subalit iginiit nito na ang opisyal na hindi sumasalamin sa karakter at values ng lipunan maging sa mamamayan at gobyerno ng Kuwait ang naging aksyon ng anak ng Kuwaiti employer na suspek.
Tiniyak naman ng Philippine Embassy na magbibigay ang Kuwaiti government ng lahat ng kaukulang tulong habang patuloy na minomonitor ang kaso.
Samantala, nagpasalamat naman si Cabrera sa maagap na pagtugon ng Kuwaiti government sa insidente at ibihayah na walang deployment ban sa OFW sa kuwait.