Kinondena ng gobyerno ng Pilipinas ang trahediyang sinapit na ikinasawi ng Pinay na si Marvil Facturan sa Slovenia.
Sa statement na inilabas ng Department of Foreign Affairs (DFA) ngayong Huwebes, Enero 16, nagpaabot ito ng taus-pusong pakikiramay sa naulilang pamilya ng Pinay dito sa Pilipinas.
Kaugnay nito, nakikipagtulungan na aniya ang Embahada ng Pilipinas sa Vienna kasama ang DFA at iba pang kaugnay na mga ahensiya sa mga awtoridad sa Slovenia para sa agarang pag-repatriate o pag-uwi sa labi ni Marvil sa Pilipinas sa oras na makumpleto na ang lahat ng kailangang forensic processes.
Matatandaan na nasawi si Facturan matapos umanong pagsasaksakin ng kaniyang napangasawang Slovenian na si Mitja Kocjancic na nakilala ng Pinay online noong Pebrero 2024, base na rin salaysay ng kaniyang ina.