Naghahanda na ang gobyerno ng Pilipinas para sa panibagong resupply mission sa Ayungin shoal sa gitna ng posibleng panibagong pagtutol mula sa China ayon sa National Security Council.
Ayon kay NSC Spokesperson Jonathan Malaya, committed o hindi titigil ang pamahalaan na magpadala ng kinakailangang suplay para sa mga tropa ng Pilipinas na naka-istasyon sa BRP Sierra Madre sa kabila pa ng pambobomba ng tubig ng China Coast Guard kamakailan.
Sa kabila nito sinabi din ng konseho na hindi na sila magbibigay pa ng karagdagang mga impormasyon para na rin sa security reasons.
Dumipensa rin ang NSC sa matapang na statement na inisyu ng mga opisyal pamahalaan sa pagdepensa sa Pilipinas sa isyu sa Ayungin shoal.
Aniya, consistent ang kanilang pahayag sa patnubay ni PBBM at mayroong regular na konsultasyon sa National Task Force-West Philippine Sea at Office of the President.
Nagpahayag din ang gobyerno ng Piipinas na bukas ito para sa pakikipagdayalogo sa China.