-- Advertisements --

Nakahanda ang gobyerno ng Pilipinas na tulungan ang mga Pilipinong apektado ng hindi pa rin ng malawakang wildfire sa Los Angeles, California, USA.

Sa isang panayam kay Department of Foreign Affairs (DFA) ASec. Adelio Angelito Cruz, maraming mga Pilipino sa LA ang isinailalim na sa mandatory evacuation at kasalukuyan ng sinusubukang makontak ang mga ito upang malaman ang kanilang sitwasyon sa pamamagitan ng lahat ng posibleng mga paraan.

Ginawa ng opisyal ang pahayag kasunod ng pag-apela ng tulong ng ilang mga Pilipino at Filipino-Americans doon sa LA.

Nag-isyu naman ang PH Consulate General sa Los Angeles ng advisory na nag-aabiso sa Filipino community sa mga apektado ng wildfire sa LA na makipag-ugnayan sa Konsulada para sa kaukulang tulong o tumawag sa (323) 528-1528 at sumunod sa evacuation orders.

Sa ngayon nakikipag-ugnayan na aniya ang Konsulada sa mga local authorities at maigting na nakabantay sa sitwasyon ng mga Pilipino sa mga apektadong lugar.