-- Advertisements --

Nanawagan ang gobyerno ng Pilipinas sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs (DFA) na tanggalin ang mga ipinatayong ilegal na istruktura, itigil ang mga reclamation at managot sa pinsalang idinulot na environmental damage ng mga aktibidad na ito sa West PH Sea.

Ito ang naging tugon ng panig ng bansa sa naging statement ni Chinese foreign ministry spokesperson Wang Wenbin kaugnay sa kamakailang resupply mission ng bansa noong Nobyembre 10.

Kung saan ayon kay DFA spokesperson Teresita Daza, hinihimok ang bansa na magbigay ng abiso sa tuwing magsasagawa ng resupply mission sa Ayungin shoal.

Subalit nanindigan ang DFA na ang resupply missions sa Ayungin shoal na nasa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas ay mga lehitimong aktibidad alinsunod sa international law at hindi ito magbibigay ng notification sa China.

Inisyu ang naturang pahayag ilang araw matapos na bombahan ng tubig o water cannon ng China Coast Guard ang resupply boat ng Pilipinas na nagdadala ng mga suplay para sa mga tropa ng bansa na naka istasyon sa BRP Sierra Madre sa Ayungin shoal.