-- Advertisements --

Pinag-aaralan ng gobyerno ng Pilipinas ang paghahain ng diplomatic protest laban sa China kaugnay sa namataang presensiya ng fighter jets sa joint air patrol kamakailan.

Inaantay pa sa ngayon ng pamahalaan ang buo at kumpirmadong reports mula sa concerned agencies kaugnay sa naturang insidente.

Iginiit naman ni Department of Foreign Affairs (DFA) spokesperson Ma. Teresita Daza ang kasalukuyang posisyon ng bansa kung saan iginagalang nito ang kalayaan sa paglalayag at overflight alinsunod sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Nitong Lunes, kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na inikutan ng Chinese fighter jets ang air assets ng PH sa joint patrol nito kasama ang Australia sa loob ng exclusive economic zone ng ating bansa.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) chief General Romeo Brawner Jr., tumagal ang pag-orbit o pag-ikot ng fighter jets ng China ng 15 minuto subalit walang naitalang untoward incident.

Top