Target ng gobyerno ng Pilipinas na maisamoderno ang mayorya ng mga dyip sa bansa sa loob ng 4 hanggang 5 taon.
Ayon kay Transportation Undersecretary Jesus Ferdinand Ortega, pagkatapos ng consolidation, dapat simulan ng mga lokal na pamahalaan ang rationalization ng mga ruta na maglilimita sa bilang ng mga pampublikong sasakyan kada ruta.
Aabutin aniya ito ng 2 taon bago tuluyang mag-modernize ang mga kooperatiba ng kanilang mga sasakyan.
Samantala, maaari ng makita ng LTO, MMDA at PNP ang mga dyip na tumangging mag-consolidate sa ilalim ng PUVMP ng pamahalaan na natapos na noong Abril 30.
Ang mga dyip na walang consolidation papers ay iisyuhan ng show cause memo para sa posibleng rebokasyon ng kanilang prangkisa na mareresolba sa loob ng 1 hanggang 3 linggo.
Matatandaan na ilang grupo ng transportasyon ang tumutol sa phaseout ng tradisyunal na dyip dahil ang pagbili ng modernized vehicles ay magbabaon lamang sa kanila sa utang.