-- Advertisements --
Hihilingin umano ng gobyerno ng Pilipinas sa European Union na tanggalin ang refugee status ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Maria Sison.
Sinabi ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na nakausap na niya ang deputy ambassador ng EU para matanggal na ang refugee status ni Sison sa Netherlands.
Kapag nagawa ito ay posibleng ma-extradite na si Sison para harapin ang kasong kinakaharap nito.
Magugunitang iniutos ni Manila Regional Trial Court Branch 32 Judge Thelma Bunyi-Medina ang pag-aresto kay Sison at 30 iba pa dahil sa multiple murder sa pagkakadiskubre ng mass grave sa Inopacan, Leyte noong 2006.