Tiniyak ng gobyerno ng Pilipinas na hindi sila hihinto sa paghahabol kay dismissed Bamban Mayor Alice Guo kahit tuluyan na itong nakalabas ng bansa.
Ginawa ni Presidential Anti-organized Crime Commission (PAOCC) Spokesperson Winston John Casio ang naturang pahayag matapos na mapabalita na nakatakas na si Guo.
Ayon kay Casio , natanggap nila ang impormasyon mula sa dayuhang immigration office na nakipagtulungan sa kanila.
Paliwanag ng opisyal , nakalusot si Guo dahil sa pagdaan nito sa “back door” na ibig sabihin ay hindi dumaan sa imigrasyon.
Siniguro rin ni Casio na mananagot sa batas ang sinumang tumulong kay Guo na makalabas ng bansa at tuluyang makatakas.
Dalawa lamang aniya ang paraan para mahabol si Guo.
Una ay ang paghahain ng extradition request sa pinal na bansang pinuntahan nito at sa pamamagitan ng Interpol “Red notice”.