Hinimok ng Philippine Association of Salt Industry na dapat magbigay ng higit na suporta ang gobyerno sa maliliit na magsasaka ng asin ng bansa.
Ayon sa pangulo ng Philippine Association of Salt Industry na si Gerard Khonghun, habang may ilang mga producer ng asin na gumawa ng kanilang paraan upang i-upgrade ang kanilang teknolohiya para sa iodization, ang ilang maliliit na producer naman ng asin ay hindi makahabol sa mga ganitog pagbabago.
Aniya, kailangan umano ng karagdagang suporta para sa maliliit na magsasaka ng asin mula sa gobyerno ng Pilipinas.
Ang salt iodization law, na ipinasa noong 1995, ay nag-utos ng pagdaragdag ng iodine sa asin upang maalis ang mga sakit sa kakulangan sa iodine sa bansa ngunit binatikos ng ilang senador ang batas, na nagdulot ng pagkasira ng industriya.
Dagdag dito, upang matulungan ang mga producer na hindi makapaglagay ng iodize sa kanilang asin, sinabi ni Khonghun na may usapan na maglagay na lamang ng mga kooperatiba na tutulong sa kanila sa iodization.
Gayunpaman, dapat umano magkusa ang mga magsasaka ng asin kung nais nilang bumuo ng mga kooperatiba.