Inaasahang ibabalik ng Pilipinas ang 2 sa 4 na Japanese detainees na pinaniniwalaang sangkot sa isang serye ng mga pagnanakaw sa buong bansa ng Japan.
Ang natitirang dalawa, kabilang si Yuki Watanabe, 38 taong gulang na itinuturing na pinuno sa isang grupo ng pandaraya, ay maaari ding ipadala sa Japan depende sa kanilang mga criminal trials na nakatakda ngayong araw.
Hiniling ng Japan na ilipat ang lahat ng 4 na suspek matapos makakuha ng warrant of arrest ang pulisya dahil sa hinalang pagnanakaw kaugnay ng scam na nagta-target sa mga matatanda sa bansa.
Dagdag dito, ang Tokyo Metropolitan Police Department ay magpapadala ng humigit-kumulang 15 mga imbestigador sa Pilipinas para sa nasabing mga suspects.
Ang tatlo pang suspek ay sina Kiyoto Imamura, Toshiya Fujita, at Tomonobu Kojima.
Una ng inihayag ni Justice Department spokesman Mico Clavano na magpupulong ang mga ahensya ng gobyerno ngayong araw para magpasya sa araw ng deportasyon ng tatlong nasabing indibidwal.