-- Advertisements --
COMFORT WOMEN

Magsusumite ng tugon ang gobyerno sa panel ng United Nations (UN) ukol sa usapin na na ang Pilipinas ay lumalabag sa obligasyon nito sa mga babaeng Pilipino na nakaranas ng sexual abuse mula sa mga sundalong Hapon noong World War II.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), binigyang pansin ng gobyerno ang mga pananaw ng Committee on the Elimination of Discrimination Against Women at inulit nitong kinikilala ang pagdurusa ng mga babaeng biktima ng marahas na paglabag sa panahon ng digmaan.

Giit ng tanggapan, pag-aaralan umano nila ang Views of the Committee at magsusumite ito ng ‘written response’ sa loob ng anim na buwan.

Napansin ng komite na hindi tinugunan ng Philippine Commission on Women ang institusyonal na sistema ng sexual abuse sa panahon ng digmaan.

Sa ngayon, ang Presidential Communications Office at Supreme Court ay nagsasagawa ng mga kaukulang tugon upang bigyan ng pansin ang ginawang pang-aabuso ng mga sundalong Hapon sa mga Pinay sa panahon ng World War II.