-- Advertisements --
Kinumpirma ng Office of the Civil Defense na kanilang kinokonsidera ang pag-apela ng tulong sa Estados Unidos.
Ito ay may kaugnayan pa rin sa malawakang forest fire sa Benguet na hanggang sa ngayon ay hindi pa naapula.
Ginawa ng ahensya ang pahayag, kasabay ng naging pagpupulong sa pagitan nila at ng United States Agency for International Development.
Tinalakay ng dalawang kampo ang mga hakbang na gagawin upang maapula ang apoy .
Sa isang pahayag, sinabi ni OCD Assistant Secretary Hernando Caraig Jr na lumalaki na ang pinsalang dulot ng sunog sa kalikasan sa kabundukan ng nasabing lalawigan.
Dumalo rin sa naturang pagpupulong ang mga kinatawan mula sa Armed Forces of the Philippines pati na ang Bureau of Fire Protection