Pinaghahandaan na ngayon ng mga awtoridad ang pagdating ng labi ng Overseas Filipino Worker na si Jullebee ranara na brutal na pinatay sa kuwait ng anak ng kanyang amo.
Kung maalala ang sunog na bangkay ng biktima na si Ranara ay natagpuan sa disyerto sa kuwait noong linggo.
Ayon kay Overseas Workers Welfare Administrator Arnel Ignacio, kumuha na ang embahada ng pilipinas ng private lawyers para sa paglilitis ng kaso lalo na’t minor ang suspek na pumatay sa biktima, hindi rin umano sila titigil hanggat makuha ang hustisya na hinihiling ng pamilya ng biktima.
Samantala, sinagot naman ng kampo ng suspek o yung employer ang gastos sa mga pinansyal na pangangailangan ni Ranara, Sa ngayon nagpapatuloy pa rin ang forensic investigation at hinihintay na lamang ang findings o yung resulta na ipapadala sa prosekusyon sa pagpapatuloy ng imbestigasyon.
Sa ngayon, tumangging magbigay ng pahayag ang pamilya ni ranara, at humiling ng tahimik na pagluluksa habang hinihintay ang ang mga labi nito, dito sa pilipinas.