-- Advertisements --
GENERAL SANTOS CITY – Limang araw na inutos ng gobyerno ng Turkey na walang klase ang mga estudyante matapos tumama ang 7.8 magnitude na lindol sa naturang lugar.
Ayon kay Bombo International Correspondent Jennifer Cancelik ng Turkey na ito ay dahil sa mga mangyayari pa na mga aftershocks.
Dagdag pa nito na dumating na rin ang tulong mula sa ibat-ibang mga lugar.
Habang ang kamag-anak ng kaniyang kaibigan na Turkish national ay missing pa rin hanggang sa ngayon.
Sa naging pahayag nito na karamihan mga high rise building ang makikita sa naturang bansa kaya maraming ang gumuho.
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang rescue operations para mahanap pa ang mga missing.