-- Advertisements --
Sinabi ng Department of Finance na “on track” ang pamahalaan ng bansa upang makamit ang single-digit poverty rate sa 2028.
Ayon kay Finance Undersecretary Domini Velasquez, kung titingnan ang poverty rate na nilalabas ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba rin.
Umaasa si Velasquez na sa pagtatapos ng administrasyong Marcos ay makakamit na ng Pilipinas ang mas mababa sa 10 precent na poverty rate.
Binanggit ng opisyal ang second quarter gross domestic product growth ng bansa bilang isa sa mga indicator na ang Pilipinas ay patungo sa pagkamit ng single-digit poverty rate.