Tuloy-tuloy ang ginagawang hakbang ng gobyerno para makamit ang single-digit poverty incidence sa Pilipinas.
Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian, on track ang Pangulong Marcos Jr, upang maisakatuparan ito pagsapit ng 2028 at tuluyang maaalis ang mga pamilyang nagugutom.
Ginawa ng kalihim ang pahayag matapos ang naging resulta na inilabas ng Philippine Statistics Authority .
Ipinapakita nito na nagkaroon ng pagbaba ng 15.5% ang lebel ng kahirapan sa bansa mula pa noong nakalipas na taon.
Aabot naman sa 18.1% ang ibinaba noong taong 2021.
Giit ng opisyal, nagpapakita lamang ito ng magandang indikasyon na ang mga effort ng administrasyon sa pamamagitan ng kanilang anti-poverty programs at nagkakaroon ng positibong bunga.
Sa naging SONA ni PBBM kahapon, ibinida nito ang naging tagumpay ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng DSWD.
Ang programang ito ay nagsisilbing poverty reduction strategy ng gobyerno at isang human capital investment program.
Ibinida rin ng pangulo ang Food Stamp Program: Walang Gutom 2027 na kung saan magbibigay ng isang milyong food poor beneficiaries sa Pilipinas.