Plano ng gobyerno na magtatag ng forensic institute para sa science-based investigation para sa criminal cases, maritime mishaps at natural calamities.
Ito ang sinabi ni Department of Justice Undersecretary Raul Vasquez.
Ang plano ay bahagi ng tatlong pangako ni Executive Secretary Lucas Bersamin nang dumalo siya sa ika-75 anibersaryo ng Universal Declaration of Human Rights.
Ibinahagi din ni Vasquez na mayroon nang tatlong ambassador na sumusuporta sa plano.
Gumagamit ang forensic science ng DNA o Deoxyribonucleic Acid sa pagsusuri ng mga biological sample upang matukoy ang mga biktima o pinaghihinalaan ng krimen.
Noong 2012, itinatag ng Philippine National Police ang DNA Investigative and Research Center na dalubhasa sa forensic analysis ng human genetic materials.