-- Advertisements --
Plano ngayon ng gobyerno na gumamit ng artificial intelligence (AI) para mapaganda ang kakayahan ng mga manggagawang Pinoy at maihanda sila sa mga makabagong teknolohiya.
Ito ang natalakay ng Private Sector Advisory Council (PSAC) kasama mismo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ibinahagi ng PSAC ang mga magandang epekto nito sa Department of Information and Communications Technology (DICT), Department of Science and Technology (DOST) at the National Economic and Development Authority (NEDA).
Mahalaga na magkaroon ng kaalaman ang mga empleyado bilang paghahanda sa AI-powered economy.
Ikinagalak din nila ang plano ng gobyerno na magkaroon ng masusing pag-aaral sa paggamit ng AI sa bansa.