-- Advertisements --
Nais ni Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr na taasan ang ang annual defense spending ng gobyerno.
Ito ang kinumpirma ni Defense spokesman Arsenio Andolong sa harap ng mga kawani ng media.
Ayon kay Andolong, ang defense spending ng iba pang mauunlad na bansa ay nasa 2 hanggang 2.5 porsyento ng kanilang gross domestic product (GDP) habang ang Pilipinas ay nasa 0.89 hanggang 1.2 porsiyento lamang.
Aniya, nais ni Sec. Gilberto Teodoro Jr na maitaas ito ng 1.8 hanggang 2 percent ng kabuuang GDP ng bansa.
Ito kasi aniya ang average ng karamihan sa mga bansa.
Idinagdag niya na ang GDP ng bansa para sa 2023 ay nasa P5.89 trilyon batay sa Statista data.
Una rito ay kinumpirma ni Teodoro na sinimulan na ang modernisation program para sa militar.